Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025OTCB2025Prayer Pew
Mga Salmo 23:1–3
Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang ng anuman.
Pinagpapahinga niya ako sa malagong damuhan, inaakay niya ako patungo sa tahimik na batisan.
Binibigyan niya ako ng panibagong kalakasan. Pinapatnubayan niya ako sa tamang daan, upang siyaʼy aking maparangalan.
